Ang aming trabaho ay tumutukoy kung ang mga tao ay maaaring makakuha ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay, mula sa mga trabaho at edukasyon hanggang sa mga pamilihan at pangangalagang medikal, pati na sa mga interpersonal na koneksiyon na tumitiyak sa ating mental at emosyonal na kagalingan.
Habang ang mga benepisyo ay malawak, gayundin naman ang mga responsibilidad. Bilang isang ahensiyang panrehiyon na nagpapatrabaho at naglilingkod sa iba’t-ibang at lumalaking komunidad, mayroon tayong tungkulin na lansagin ang mga mapaminsala at malaganap na sistema ng hindi pagkapantay-pantay. Kinikilala namin na ang aming mga kritikal na desisyon—tulad ng kung saan namin itatayo ang aming mga proyekto, kung paano namin pinaplano ang aming serbisyo, at kung sino ang bumubuo sa aming mga manggagawa—ay mga katanungan ng katarungang panlahi at sosyo-ekonomiko.
Kaya naman kami ay nakatuon sa pagiging isang organisayon na kontra rasista. Noong 2021, ang opisina ng Sound Transit’s sa Pagkakaiba-iba, Pangmakatarungan at mga Inklusyon ay nagbalangkas ng paunang limang taon na estratehiya sa paglulunsad ng paglalakbay ng ahensya. Sa mga darating na buwan marami kayong maririnig tungkol sa aming balangkas na konta rasista, mga prayoridad at layunin, ginagabayan ng aming pananaw sa isang Sound Transit na kung saan:
- Lahat ng empleyado ay binibigyang kapangyarihan, umuunlad at kayang makamit ang tugatog ng kanilang potensyal, anuman ang lahi.
- Inaabot namin ang lahat ng desisyon na tinitingnan ang pagkakapantay-pantay ng lahi.
- Lahat ng mga pasahero ay tumatanggap ng mahusay na serbisyo, nang walang mga hadlang.
- Tayo ay bumuo ng tiwala sa komunidad.
- Ang mga miyembro ng komunidad ay may pantay na pagkakataon na umunlad.
Ang gawaing ito ay hindi mangyayari sa magdamag. Ang pagbabagong-anyo ay nangangailangan ng pagsisiyasat sa sarili at pananagutan, at walang punot-dulo na ating aabutin balang-araw. Ang daan patungo sa hustisyang panglahi ay walang katapusan, at dapat itong manatiling ating prayoridad sa mga darating na taon.
Ilunsad ang inyong karera sa konstruksiyon

Ang konstruksiyon ng pagbibiyahe ay nangangailangan ng mga bihasang mangagawa upang mapalakas ang pag-unlad sa ating rehiyon. Nakikipagtulungan kami sa mga komunidad ng non-profits upang sanayin ang mga lokal na talento—partikular na kabilang ang mga taong may kulay, katutubong miyembro ng tribo at kababaihan—sa pamamgitan ng mga programa sa pag-aaral sa kalakalan ng konstruksiyon.
Sumali sa aming dumadaming kawani
Ang Sound Transit ay kamangha-manghang lugar upang magtrabaho. Kung marubdob ang pagnanasa mong baguhin ang ating rehiyon sa pamamagitan ng pagbiyahe, tingnan ang aming mga pagkakataon sa trabaho ngayon.
Leave a Reply