Sound Transit
Español | 中国人 | Tiếng Việt | 한국어 | Русский | English

Sound Transit Ulat ng Pag-unlad sa 2022

Ulat ng Pag-unlad sa 2022

Lumalawak na transit. Gumagawa ng mga koneksyon.

  • Ang ulat
  • Malapit ng magbukas
  • Mga proyektong malapit sa’yo
  • Pag-uusad ng katarungan
  • Mapagkukunan

Lumalawak na pagbibiyahe. Gumagawa ng mga koneksyon

Darating ngayon: mga bagong opurtunidad

Sa pagseserbisyo ngayon ng Link light rail sa mga kapitbahayan ng Seattle’s U District, Roosevelt at Northgate, wala ng mas kapana-panabik na oras upang galugarin kung saan ka maaaring dalhin ng Sound Transit.

Galugarin ang ulat

Tingnan ang inyong hulugan ng sulat para sa inyong papel na kopya! Ang aming taunang ulat sa pag-unlad ay napupunta sa bawat sambahayan sa.

Basahin ang PDF*

*Na-update ang PDF upang ipakita ang mga pagbabago sa timeline ng proyekto na ginawa pagkatapos ng pag-print.

Malapit ng magbukas

25 bagong istasyon ng Link bago matapos ang 2024

Kami ay nasa landas na magbukas ng lima pang extensions sa susunod na tatlong taon! At hindi kami titigil doon.

The text below describes the image above

Ngayon, ang Sound Transit ay nag-aalok ng Link light rail, bus at mga serbisyong Sounder para sa ilang mga rehiyonal destinasyon. Ang kasalukuyang serbisyo ng Link light rail ay tumatakbo papunta Northgate, University of Washington, Capitol Hill, bayan ng Seattle, Sea-Tac Airport at Angle Lake. Mayroon ding mas maliit na Link na tumatakbo sa pagitan ng Tacoma Dome at Tacoma Theater District. Dalawang rutang pang-komuter tren ng Sounder ang tumatakbo mula Everett hanggang Seattle at Lakewood/Tacoma hanggang Seattle tuwing umaga at gabi.

Sa 2022, ang Tacoma Link ay papahabain hanggang sa dulo ng ospital ng Saint Joseph.

Sa 2023, ang Link light rail mula Seattle hanggang Redmond ay magbubukas, kasama ang mga istasyon sa Mercer Island, Bellevue, Spring District at Redmond (Overlake).

Pagsapit ng 2024, ang serbisyo ng Link light rail ay papahabain mula Shoreline, Mountlake Terrace at Lynnwood sa North Corridor, hanggang Kent/Des Moines at Federal Way sa South King County at bayan ng Redmond sa East Corridor.

Isang istasyon ng infill sa Northeast 130th Street ay magbubukas sa 2025.

Ang Stride bus rapid transit, isang mas mabisang serbisyo ng bus, ay papasada mula Bellevue hanggang Burien; Northeast 85th Street (Kirkland) hanggang Bellevue at Shoreline hanggang Bothel sa 2026. Isang karagdagang linya ng Stride bus rapid transit mula Lynnwood hanggang Kirkland ay binalak magbukas sa 2027.

Dalawang karagdagang istasyon ng infill sa katimugang Seattle ay binalak magbukas sa 2031: South Graham Street at South Boeing Access Road.

AngTacoma Dome Link Extension at West Seattle Link Extension ay nakatadang magbukas sa 2032, kasama ang South Federal Way, Fife, Portland Avenue at Tacoma Dome sa South King/ probinsiya ng Pierce at Alaska Junction, Avalon at Delridge sa kanlurang purok ng Seattle.

Sa pagitan ng 2037 at 2041, ang mga destinasyon ng Link light rail sa Ballard at Snohomish County ay nakatakdang magbukas. Ang Ballard Link Extension ay magsasama ng mga istasyon sa Ballard, Interbay, Smith Cove, Seattle Center, South Lake Union, Denny at gitnang bayan. Isang bagong lagusan sa bayan ng Seattle ay kasama sa Ballard Link Extension. Ang Everett Link Extension ay magsasama ng mga istasyon sa Everett, State Route 526/Evergreen, Southwest Everett, Industrial Center, Mariner, Ash Way at West Alderwood.

Sa pagitan ng 2039 at 2041, ang karugtong ng Tacoma Link papuntang Tacoma Community College ay nakatakdang makumpleto.

Sa pagitan ng 2041 at 2044, ang mga istayon ng Link light rail sa South Kirkland, Richards Road, Eastgate/Bellevue College at Issaquah ay binalak magbukas.

Sa 2045, ang mga karugtong ng tren ng Sounder papuntang DuPont at Tillicum ay nakatakdang magbukas.

Handa ng sumakay?

tren ng link light rail

Hanapin ang lahat ng kailangan mo para planuhin ang inyong biyahe, bayaran mo ang inyong pamasahe at sumakay sa mga bus at tren ng Sound Transit.

Alamin bago ka umalis

Mga proyektong malapit sa inyo

Tingnan ang darating

Galugarin ang interactive map o tingnan kung ano ang aming pinaplano at itinatayo sa bawat rehiyon sa ibaba.

Pierce & South King County
alt=""

Link light rail

  • 2023**: Anim na bagong istasyon ng T Line ang magbubukas sa pagitan ng Tacoma’s Theater District at ng Hilltop medical district
  • 2024: 1 Linya ng serbisyo ang magbubukas sa Kent, Des Moines at Federal Way
  • 2031: Bagong 1-Linyang istasyon sa South Boeing Access Road
  • 2032: Ang Regional light rail ay aabot sa Tacoma na may bagong apat na 1-Linyang istasyon sa Federal Way, Fife at Tacoma
  • 2039-2041*: Ang T Line ay magdadagdag ng anim na istasyon sa pagitan ng Hilltop Medical Center at Tacoma Community College
alt=""

Sounder

  • 2036-2046*: Ang kapasidad ng Sounder ay palalakihin upang makapag-sakay ng mas marami
  • 2045: Dalawa pang istasyon ng Sounder South ang magbubukas sa Tillicum at DuPont
alt=""

Paradahan at pagsasa-ayos ng entrada

  • 2022 (NGAYONG TAON!): Isang bagong garahe at lote ang magbubukas sa Puyallup Sounder Station
  • 2025: Paradahan at pagsasa-ayos ng entrada ay uumpisahan sa mga istasyon ng Kent, Auburn at Sumner Sounder
  • 2030: Ang mga pagsasa-ayos ng mga entrada ay magkakabuti sa mga koneksyon ng Sounder sa Lakewood at South Tacoma

*Ang mga petsa ay sumasalamin sa isang abot-kayang iskedyul batay sa kasalukuyang pagtaas sa pinansiyal at mga pagtatantya sa gastos, at sa inaasam na pagkumpleto. Matuto pa: soundtransit.org/realignment

** Sumasalamin sa na-update na timeline ng proyekto, binago pagkatapos ng pag-print.

Mga bagong larawan: Ang pag-unlad ng Light rail sa Federal Way

Isang salansan ng mga riles sa unahan, at ang Federal Way Transit Center sa likuran.

Magbubukas sa 2024, ang aming 7.8-milya na extension mula sa Angle Lake ay magsasama ng tatlong bagong istasyon, kasama ang mga pasilidad sa paradahan.

Bisitahin ang The Platform blog upang makita ng mula itaas ang konstruksiyon ng Link sa South Sound.

Snohomish County
alt=""

Link light rail

  • 2024: 1 Linya ng serbisyo papuntang Snohomish County at may apat na bagong istasyon sa Shoreline, Mountlake Terrace at Lynnwood
  • 2037-2041*: Serbisyo ng Link ay aabot sa Southwest Everett at Everett
alt=""

Paradahan, at pagsasa-ayos ng entrada

  • 2034: Paradahan at pagsasa-ayos ng entrada ay magsisimula sa mga istasyon ng Edmonds at Mukilteo Sounder

*Ang mga petsa ay sumasalamin sa isang abot-kayang iskedyul batay sa kasalukuyang pagtaas sa pinansiyal at mga pagtatantya sa gastos, at sa inaasam na pagkumpleto. Matuto pa: soundtransit.org/realignment

Ang konstruksiyon sa Lynnwood Link ay mahigit nang 50% kumpleto

Ang mga Girders ay naka-pwesto na para sa elevated light rail tracks, at mga kagamitang konstruksyon sa kalapit na lugar .

Ang kaganapang ito ay nagmamarka ng patuloy na pag-unlad patungong 2024 na petsa ng pagbubukas ng pagpapahaba.

Tingnan ang mga larawan ng pag-unlad.

Eastside
alt=""

Link light rail

  • 2023: 2 Linya ang magsisimula sa Mercer Island, Bellevue at Redmond’s tech core
  • 2024: 2 Linyang istasyon ang magbubukas sa Marymoor Park at Downtown Redmond
  • 2041-2044*: Isang Linya ang magbubukas mula South Kirkland hanggang Issaquah
alt=""

Stride bus rapid transit

  • 2026-2027: Ang Stride bus rapid transit ay magsisimula sa I-405 at SR 522 na may koneksiyon sa light rail sa Tukwila, Bellevue, Shoreline at Lynnwood

alt=""

Paradahan at pagsasa-ayos ng entrada

2045: Magbubukas ang North Sammamish Park-and-Ride

*Ang mga petsa ay sumasalamin sa isang abot-kayang iskedyul batay sa kasalukuyang pagtaas sa pinansiyal at mga pagtatantya sa gastos, at sa inaasam na pagkumpleto. Matuto pa: soundtransit.org/realignment

Bagong mga larawan: Mga tren na umaandar (dahan-dahan) sa Eastside!

Ang tren ng link light rail ay itinutulak kinagabihan sa riles bandang silangang istasyon ng bayan ng Bellevue.

Ang pagsusuri sa clearance ng tren ay nagmamarka ng isa na namang magandang kaganapan sa East Link.

Panoorin ang pagsusuri!

Lugar ng Seattle
alt=""

Link light rail

  • 2025: Bagong istasyon ng light rail na magbubukas sa NE 130th Street
  • 2031: Bagong istasyon ng light rail na magbubukas sa South Graham Street
  • 2032: 3 linya ang magbubukas papuntang West Seattle
  • 2037-2039*: 1 Linya ang palalakihin mula bayan ng Seattle hanggang Smith Cove at Ballard

*Ang mga petsa ay sumasalamin sa isang abot-kayang iskedyul batay sa kasalukuyang pagtaas sa pinansiyal at mga pagtatantya sa gastos, at sa inaasam na pagkumpleto. Matuto pa: soundtransit.org/realignment

Ang Northgate ay opisyal ng bukas! ano na ngayon?

Ginupit ng mga miyembro ng Lupon ng Sound Transit ang asul na laso sa pagbubukas ng istasyon ng Northgate habang nagliliparan ang mga confetti.

Sinasagot namin ang inyong maiinit na mga katanungan tungkol sa bagong serbisyo sa North Seattle.

Matuto pa!

Ang pampublikong sasakyan ay nagtutulak ng katarungan

Ang aming trabaho ay tumutukoy kung ang mga tao ay maaaring makakuha ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay, mula sa mga trabaho at edukasyon hanggang sa mga pamilihan at pangangalagang medikal, pati na sa mga interpersonal na koneksiyon na tumitiyak sa ating mental at emosyonal na kagalingan.

Habang ang mga benepisyo ay malawak, gayundin naman ang mga responsibilidad. Bilang isang ahensiyang panrehiyon na nagpapatrabaho at naglilingkod sa iba’t-ibang at lumalaking komunidad, mayroon tayong tungkulin na lansagin ang mga mapaminsala at malaganap na sistema ng hindi pagkapantay-pantay. Kinikilala namin na ang aming mga kritikal na desisyon—tulad ng kung saan namin itatayo ang aming mga proyekto, kung paano namin pinaplano ang aming serbisyo, at kung sino ang bumubuo sa aming mga manggagawa—ay mga katanungan ng katarungang panlahi at sosyo-ekonomiko.

Kaya naman kami ay nakatuon sa pagiging isang organisayon na kontra rasista. Noong 2021, ang opisina ng Sound Transit’s sa Pagkakaiba-iba, Pangmakatarungan at mga Inklusyon ay nagbalangkas ng paunang limang taon na estratehiya sa paglulunsad ng paglalakbay ng ahensya. Sa mga darating na buwan marami kayong maririnig tungkol sa aming balangkas na konta rasista, mga prayoridad at layunin, ginagabayan ng aming pananaw sa isang Sound Transit na kung saan:

  • Lahat ng empleyado ay binibigyang kapangyarihan, umuunlad at kayang makamit ang tugatog ng kanilang potensyal, anuman ang lahi.
  • Inaabot namin ang lahat ng desisyon na tinitingnan ang pagkakapantay-pantay ng lahi.
  • Lahat ng mga pasahero ay tumatanggap ng mahusay na serbisyo, nang walang mga hadlang.
  • Tayo ay bumuo ng tiwala sa komunidad.
  • Ang mga miyembro ng komunidad ay may pantay na pagkakataon na umunlad.

Ang gawaing ito ay hindi mangyayari sa magdamag. Ang pagbabagong-anyo ay nangangailangan ng pagsisiyasat sa sarili at pananagutan, at walang punot-dulo na ating aabutin balang-araw. Ang daan patungo sa hustisyang panglahi ay walang katapusan, at dapat itong manatiling ating prayoridad sa mga darating na taon.

Isang tren ng Link light rail na may dekorasyon ng kampanyang “All Aboard” na may titik na ibat’ibang kulay ng balat at mga disenyo ng mga pasaherong may kapansanan.

Lahat sumakay

Kami’y lubusang nakatuon na magbigay sa bawat pasahero nang maalaga at positibong karanasan.

Alamin pa
Dalawang embahador ng pamasahe suot ang mga bagong uniporme, tulad ng mga dilaw na sumbrero at bag, at asul na vest, na tumutulong sa mga pasahero sa tren ng Link light rail.

Hanapin ang mga dilaw na sumbrero

Bilang tugon sa puna ng komunidad, pinalitan namin ang mga opisyal ng pagpapatupad ng pamasahe ng mga embahador na tutok sa edukasyon ng pasahero at serbisyo sa kostumer.

Alamin pa
Isang babae suot ang matigas na sumbrero ng Sound Transit at kahel na safety vest na nagtatrabaho sa magubat na lugar.

Mga tao, planeta at kaunlaran

Ang Sound Transit ay nangakong pamunuan ang bansa na unahin ang pagpapanatili ng kapaligiran. Noong 2021, ang Link ang naging unang sistema ng riles sa bansa na pinapagana gamit ang malinis at walang karbo na elektrisidad.

Alamin pa
Ang Capitol Hill Station Development, isang pinaghalong gamit na gusali na may 428 yunit na tirahan at espasyo para sa farmer’s market ng Capitol Hill, nakatayo na malapit sa Capitol Hill light rail station.

Sinusuportahang mga masiglang purok

Nakikipagtulungan kami sa mga komunidad at developer para mapadali ang pagtatayo ng mga tindahan, opisina, pampublikong espasyo, at libu-libong pabahay malapit sa mga istasyon at sa ari-arian na hindi na naming kailangan.

Alamin pa

Ilunsad ang inyong karera sa konstruksiyon

Nakangiting babae na may suot na hard hat at safety vest at nakasandal sa isang puting pickup truck

Ang konstruksiyon ng pagbibiyahe ay nangangailangan ng mga bihasang mangagawa upang mapalakas ang pag-unlad sa ating rehiyon. Nakikipagtulungan kami sa mga komunidad ng non-profits upang sanayin ang mga lokal na talento—partikular na kabilang ang mga taong may kulay, katutubong miyembro ng tribo at kababaihan—sa pamamgitan ng mga programa sa pag-aaral sa kalakalan ng konstruksiyon.

Samantalahin ang inyong pagkakataon

Sumali sa aming dumadaming kawani

Ang Sound Transit ay kamangha-manghang lugar upang magtrabaho. Kung marubdob ang pagnanasa mong baguhin ang ating rehiyon sa pamamagitan ng pagbiyahe, tingnan ang aming mga pagkakataon sa trabaho ngayon.

Galugarin ang isang karera sa amin

Mapagkukunan

Galagurin ang ulat

Tingnan ang inyong hulugan ng sulat para sa kopyang papel! Ang aming taunang ulat sa pag-unlad ay napupunta sa bawat sambahayan ng distrito ng Sound Transit.

Basahin ang ulat PDF

Handa ng sumakay?

tren ng link light rail

Hanapin ang lahat ng inyong kailangan sa pagpaplano ng biyahe, bayaran ang inyong pamasahe at sumakay sa mga bus at tren ng Sound Transit.

Alamin bago kayo umalis

Ilunsad ang inyong karera sa konstruksiyon

Ang konstruksiyon ng pagbibiyahe ay nangangailangan ng mga bihasang mangagawa upang mapalakas ang pag-unlad sa ating rehiyon. Nakikipagtulungan kami sa mga komunidad ng non-profits upang sanayin ang mga lokal na talento—partikular na kabilang ang mga taong may kulay, katutubong miyembro ng tribo at kababaihan—sa pamamgitan ng mga programa sa pag-aaral sa kalakalan ng konstruksiyon.

Samantalahin ang inyong pagkakataon

Sumali sa aming dumadaming kawani

Ang Sound Transit ay kamangha-manghang lugar upang magtrabaho. Kung marubdob ang pagnanasa mong baguhin ang ating rehiyon sa pamamagitan ng pagbiyahe, tingnan ang aming mga pagkakataon sa trabaho ngayon.

Galugarin ang isang karera sa amin

Primary Sidebar

Kailangan ng tulong?

Mga Katanungan ng mga Pasahero:

Telepono: 1-888-889-6368, TTY Relay 711
Email: main@soundtransit.org
Lunes - Biyernes, Alas siyete ng umaga hanggang Alas siyete ng gabi

Mga Katanungang tungkol sa paraan sa pagsakay:

Telepono: 1-800-201-4900, TTY Relay 711
Email: main@soundtransit.org
Lunes - Biyernes, Alas siyete ng umaga hanggang Alas siyete ng gabi

Tumawag o mag-text sa Security 24/7: 206-398-5268

Sound Transit

Ibahagi itong site sa iba

Sundan kami

Facebook icon Twitter icon Flikr icon YouTube icon Instagram icon

Copyright ©2022 Sound Transit

participate.online, a service of EnviroIssues

Copyright 2023 EnviroIssues